
“Ano ba nangyari sayo? Tungkol na naman ba ‘to sa pag-ibig?”urirat ni Allan. “Hindi naman lahat ng kwento ay tungkol sa pag-ibig…” balik ni Damian. “Oo, pero di ba sabi mo lahat ng bagay ay tungkol sa pag-ibig, dun ka sumikat sa pag gatas mo sa mga emosyon na kalakip sa tagumpay at kabiguan ng puso.” hirit pa ni Allan na tila nasusuka na sa tinatakbo ng usapan. “Siguro, matagal na tayong magkakilala para itatwa ko na ang iyong punto ay walang bahid ng katotohanan…” pag-amin ng mang-aawit at manunulat.
Marahil ito ang isa sa pinakamalaking kabalintunaan ng naging byahe ng buhay ni Damian. Ang maging boses sa paksa ng pagsinta. Ang maging mukha na laging nakapaskil sa bawat poste na nagtataguyod sa damdaming madalas nating itinatatwa o pinagtataksilan matapos pag-alayan ng awit at buhay. Wala ako nun
pasiguro ni Damian sa kanyang sarili. “Wag ka ring umasa na ang sentro ng buhay ko ay naka-ukol dun.” garantya pa nya. Ang meron sya ay isang kanta na hindi din nya maintindihan kung bakit maraming tinamaan at nabigyang pansin. Sumuka ito ng pera, kaya sinakyan nya ang agos nito. Pag sikat ka, hawak mo ang tainga’t atensyon ng lahat ng manunuod. Lahat ng pagbigkas, pagkumpas, buntong-hininga ay may ibig sabihin sa buong kapulungan. Sa katinuang lunod pa sa liwanag ng katotohanan, nakakatakot hawakan ang ganitong kapangyarihan. Pero maraming struktura na ng lipunan ay naitayo at gumuho base sa pagkabantog ng paniniwala, idyolohiya, adhikain at kahit personalidad.
BAkit hindi mo tatanggapin ang inukol ng mga bituin sa ‘yo?. Animo salamangka ang hiwagang namamagitan sa isang sikat at sa daan-daan at libo-libo. Napansin na lang nya ito ngayong huli, ng hindi na nya maulit ang mahia, nung di na dumadating ang daan-daan at libo-libo para magbayad ng daang libo. Wag mo nang tiisin… ‘Di kaylangang matakot… At kung kailangang hilingin ka sa bawat bituin ay aking gagawin… “Bakit nga ba sumikat yun?” biro ni Allan. “Hindi ko rin alam, hindi ko alam kung san ko hinugot yun.” balik ni Damian. May nagsasabi na ang pagsulat o kahit anong inspirasyon ng sining ay parang aksidente na nakatakdang mangyari at ang nahahagip nito pawang biktima o kasangkapan lang ng pagkakataon. Ngunit ang ideya at sining ay iiral pa rin tulad ng pag-usbong ng punla kahit na gaano kalalalim itong nakabaon sa ilalim ng lupa. Sa ganitong sitwasyon, isang animo matinding kahangalan ang hindi sumunod sa tawag ng tadhana.
“Allan, pakisabi kay Direk payag na ko sa father role, kung yun ang sa tingin nya ang dapat”
Madalas desperasyon ang susi sa pagtulak sa isang tao sa kanyang natatanging pagkakataon…
itutuloy