But it’s my fault
As always
But it’s my fault
As always

“Ano ba nangyari sayo? Tungkol na naman ba ‘to sa pag-ibig?”urirat ni Allan. “Hindi naman lahat ng kwento ay tungkol sa pag-ibig…” balik ni Damian. “Oo, pero di ba sabi mo lahat ng bagay ay tungkol sa pag-ibig, dun ka sumikat sa pag gatas mo sa mga emosyon na kalakip sa tagumpay at kabiguan ng puso.” hirit pa ni Allan na tila nasusuka na sa tinatakbo ng usapan. “Siguro, matagal na tayong magkakilala para itatwa ko na ang iyong punto ay walang bahid ng katotohanan…” pag-amin ng mang-aawit at manunulat.
Marahil ito ang isa sa pinakamalaking kabalintunaan ng naging byahe ng buhay ni Damian. Ang maging boses sa paksa ng pagsinta. Ang maging mukha na laging nakapaskil sa bawat poste na nagtataguyod sa damdaming madalas nating itinatatwa o pinagtataksilan matapos pag-alayan ng awit at buhay. Wala ako nun
A work of fiction / Kathang isip lamang…
Mas mahirap malaos kesa sumikat. Mas matinding pagsubok sa katinuan ang pulutin ang sarili sa pagkakatulak sa putikang pilapil matapos ka ring itulak para iakyat sa pedestal.
“Sino ka nga ulit?!?” bulong ng boses sa mikropono.
“Si Damian…” marahan at may nginig na sumagot pero pinutol ito agad ng mala-balong boses na pumupuno sa entablado.
“Ahh, ikaw yung singer dati! Yung parang mas korning bersyon ng Eraserheads!”
Si Damian nga ang naging animong pamasak sa butas na iniwan ng banda ng 2002,