
“Ano ba nangyari sayo? Tungkol na naman ba ‘to sa pag-ibig?”urirat ni Allan. “Hindi naman lahat ng kwento ay tungkol sa pag-ibig…” balik ni Damian. “Oo, pero di ba sabi mo lahat ng bagay ay tungkol sa pag-ibig, dun ka sumikat sa pag gatas mo sa mga emosyon na kalakip sa tagumpay at kabiguan ng puso.” hirit pa ni Allan na tila nasusuka na sa tinatakbo ng usapan. “Siguro, matagal na tayong magkakilala para itatwa ko na ang iyong punto ay walang bahid ng katotohanan…” pag-amin ng mang-aawit at manunulat.
Marahil ito ang isa sa pinakamalaking kabalintunaan ng naging byahe ng buhay ni Damian. Ang maging boses sa paksa ng pagsinta. Ang maging mukha na laging nakapaskil sa bawat poste na nagtataguyod sa damdaming madalas nating itinatatwa o pinagtataksilan matapos pag-alayan ng awit at buhay. Wala ako nun
